08
Oct

nesvita naman

ayoko na ng cereals. haha. wala lang. nagbago lang isip ko.

nesvita na lang pala.

wahehe

23
Sep

milk and cereals

tatlong beses ko na sya napapanaginipan. tatlong beses na halos pare-pareho ang tema ng pangyayari sa panaginip ko. ewan ko kung sa sub-conscious ko lang ba yun o yun talaga ang gusto kong mangyari. potah! kung nagkakatotoo lang talaga ang panaginip…super saya ko na talaga ngayon.

sobrang pinipilit kong wag isipin yung mga panaginip na yun. pero di ko maiwasan. parang gusto ko nga yata kung anuman ang nangyari sa panaginip ko. haaaayyy…

nakakagago mag-isip ng ganito. pakiramdam ko kasi sasabog na lang lahat ng naiisip ko na to. sa sobrang pagpipigil, natatakot akong maibulalas ko na lang isang araw. at sa kanya pa mismo. sabagay, mas ok na siguro na sa kanya ko masabi kaysa sa ibang tao pa. mas safe kung sa kanya na lang.

sige sige. ayoko na pahabain pa to. naalala ko lang talaga yung mga panaginip na yun. na sana ay magkatotoo. haha. di talaga maka-get over. pagpasensyahan nyo na lang.

(hanapin ang konek ng blog sa title. haha.)

01
Sep

para sa aking kaibigan

kaninang
umaga, nangangarag ako sa pagpasok sa school dahil demo teaching ko.
masaya pa akong papasok kahit alam kong medyo late na.  habang nasa
byahe ako, nakatanggap ako ng text mula sa aking ate.  kala ko
nanggagago lang. di ako naniwala. kaya tinext ko si bheng, yung
kaibigan ko. ayun, na-confirm din ang balita.

wala na si jed. sabi ni bheng, nakalanghap daw ng chemicals sa work.

nagulat ako. parang nung isang linggo lang, nakita ko pa sila ni bheng sa simbahan.

wala na si jed. dahil sa lintik na chemicals. minsan talaga, madaya ang buhay.

hindi kami naging close. isa o
dalawang beses ko lang yata sya nakasama. hindi pa sya nagsasalita.
wala akong alam tungkol sa buhay nya. basta pinakilala sya sa amin ni
bheng.

wala na si jed. ang taong pinakamamahal ni bheng. pinakamamahal ng
kaibigan ko. kung maririnig nyo lang si bheng magkwento tungkol kay
jed, mararamdaman nyo kung gaano katindi magmahal ang isang tao.

wala na si jed.
dalawampu’t apat na taon lang ang inilagi nya sa mundo natin.
dalawampu’t apat na taon ng saya. dalawampu’t apat na taon ng lungkot.
dalawampu’t apat na taon ng sarap. dalawampu’t apat na taon ng hirap.
dalwampu’t apat na taon ng galit. at higit sa lahat,
dalawampu’t apat
na taon
ng pagmamahal. maswerte pa din sya.

wala na si jed.
pero katawang-lupa lang naman ang nawala sa kanya. hiding-hindi sya
mawawala sa puso at isipan ng mga taong nagmamahal sa kanya. pamilya
nya. mga kaibigan. at alam kong hinding-hindi sya mawawala sa puso at
isipan ng kaibigan ko.

wala na si jed. tanggapin natin ang katotohanan. tanggapin natin ang realidad.

at para sa kaibigan ko…bheng, alam
naming lahat kung gaano mo sya kamahal. nagpapahinga na si jed ngayon.
sa lugar kung saan walang sakit at hirap na dinaranas. pero sa bawat
patak ng luha mo, masasaktan pa rin sya at mahihirapan.  hayaan mo na
sya maging masaya. hayaan mo na sya magpahinga.  mahal ka pa din nun.
gusto nyang maging masaya ka. at gaya ng sabi nya, magkikita pa din
naman kayo.

hindi dito matatapos ang pag-ikot ng mundo. kaya mo yan,tol.
nandito ang mga kaibigan mo para sayo. hindi man namin mapunan ang
puwang ni jed sa buhay mo, pero nandito lang kami…hindi ka namin
papabayaan.
mahal ka namin.

Anthony Jed Reyes, may your soul rest in peace.

29
Mar

the end??

Biglaan
6 Cycle Mind

Biglaan
Nandito nakaukit pa rin sa puso ko
Ng sabihin mong wag na lang.
Nandito nakatatak pa rin sa isip ko
Kung paano mo tinalikuran ang lahat

Kay bilis,
Ba’t umalis,
Nakakamiss..

Chorus:
(nabigla lang)
Di ko man lamang nalaman na mawawala
(nabigla lang)
Di mo man lamang naisip na idahan-dahan
Di ako sanay sa biglaan,
Unti-unti na lang sana nawala

Hindi ba natin
Kayang magkunwari
At sabihing sige na lang
Hindi ba natin
Kayang dayain?
Ang mga yakap sa t’wing lumalamig

Kay bilis,
Ba’t umalis,
Nakakamiss..

(repeat chorus)

Nabigla lang
Nabigla lang..

24
Oct

HABERDEYSAKIN!!!

birthday ko kahapon. wala. gusto ko lang sabihin na birthday ko kahapon. bente na ko. akalain mo yun?! best birthday ever!! kasi may chocolates. *wink wink*

14
Oct

bwahahaha!!!

wala. wala lang ako magawa. buong araw lang akong nakahilata sa kama ko. nag-iisip. nagmumuni-muni. nung una, masaya. masayang-masaya. at pagakatapos…blag! para akong sinapak. natulala ako. namanhid ang buo kong katawan. nanlambot ako. dahil hindi na masaya. hindi na ako natutuwa. wala palang katotohanan sa mga naunang masasayang naiisip ko. hanggang doon na lang sila. sa utak ko. nalulungkot ako. minsan, ayoko nang mangarap. wala namang natutupad sa mga pangarap ko. nalulungkot talaga ako. gusto kong umiyak. pero bakit ganito?? walang pumapatak na luha. naubos na siguro sila nung isang araw. nung isang, isang araw. nung isang, isang, isang araw. nung isang linggo. nung isang buwan. manhid na ba ako?? hindi. e ano?? malungkot ka lang. tanga ka kasi eh. umasa ka pa. akala ko kasi… tama na. puro ka kasi akala. hayaan mo na. may mga taong mas malaki ang pinoproblema kaysa sayo. pakialam mo ba!?! e gusto ko makialam eh. ako pinapahirapan mo sa kakaisip. sasabog na ko sa dami ng iniisip mo. ang sakit na nga ng ulo ko eh. sabi ko sayo eh. tigilan mo na kasi. wala ka namang mapapala sa pagpapahirap mo sakin. wala kang karapatang magreklamo. pag-aari kita. o sige. pero wag mo ko sisisihin pag nasaktan ka na naman. pinagsabihan na kita. oo na! ang kulit mo!

10
Oct

TENSIONADO
by: Soapdish

tensionado

nagulat din ako nung malaman

na hindi lang pala ako

ang nanghinayang

nung nag-away tayo noon

at natuluyan sa iyakan at tampo

sanadali lang

wag ka munang magsalita

di ko hahayaan

lahat ito ay mawala

ang iniisip ko

kung pwede pa ba tayo?

at miserable

paulit-ulit lang ang nangyayari

paikut-ikot tayo
parang bote

at nasanay ka na ba doon?

at nalimutan ang ating mga tanong

at hindi malinaw

pwede bang wag kang sumigaw
di ko hahayaan

lahat ito ay maligaw

nagtatanong sayo

kung pwede pa ba tayo?

sandali lang

wag ka munang magsalita

di ko hahayaan

lahat ito ay mawala

sandali lang

wag ka munang magsalita
ba’t ko hahayaan

pati ikaw ay mawala

nagtatanong sayo

kung pwede pa ba tayo?

04
Jul

Ten Things I Hate About You

I hate the way you talk to me and the way you cut your hair

I hate the way you drive my car

I hate it when you stare

I hate your big dumb combat boots and the way you read my mind

I hate you so much it makes me sick, it even makes me rhyme

I hate the way you’re always right

I hate it when you lie

I hate it when you make me laugh, even worse when you make me cry

I hate it that you’re not around and the fact that you didn’t call

But mostly, I hate the way I don’t hate you

Not even a little bit, not even at all.

24
May

Very Merry Unbirthday to Me!!!

With a birthday on the 23rd of the month (5 energy) you are inclined to work well with people and enjoy them. You are talented and versatile, very good at presenting ideas. You may have a tendency to get itchy feet at times and need change and travel. You tend to be very progressive, imaginative and adaptable. Your mind is quick, clever and analytical. A restlessness in your nature may make you a bit impatient and easily bored with routine. You may have a tendency to shirk responsibility. Very sociable, you make friends easily and you are an excellent traveling companion.

15
May

HANGGANG KAILAN
by: Orange and Lemons
Labis na naiinip
Nayayamot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa

Umuwi ka na baby
Di na ako sanay nang wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi’y hinahanap-hanap kita


Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
At naglalagay ng ngiti sa mga labi

Di mapigilang mag-isip
Na baka sa tagal
Mahulog ang loob mo sa iba
Nakakabalisa
Knock on wood wag naman sana




July 2009
W T F S S M T
« Oct    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031